-- Advertisements --
Naturukan na ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine si Russian President Vladimir Putin.
Sa kaniyang televised message kinumpirma nito ang pagpapaturok niya ng nasabing bakuna.
Gaya ng unang pagpapaturok niya noong Marso 23 ay hindi na nito binanggit pa ang brand ng bakuna na itinurok sa kaniya kung ito ay bakuna na gawa ng Russia gaya ng Sputnik V, EpiVacCorona o CoviVac.
Hindi na rin nito ipinakita sa publiko ang pagpapabakuna at ito ay naging pribado.
Patuloy din ang panawagan ng 68-anyos na pangulo sa kaniyang mamamayan na magpaturok na ng bakuna para hindi na sila dapuan ng COVID-19.