-- Advertisements --
Niluwagan na ni Russian President Vladimir Putin ang pinapatupad nitong lockdown kung saan magbabalik na sa normal ang ilang mga negosyo.
Sinabi nito na natapos na ang tinagurian nitong “non-working period” na ipinatupad para masawata ang coronavirus na tumagal ng anim na linggo.
Ang pagpapaluwag ng restrictions ay may malaking epekto ito sa ekonomiya.
Dagdag pa nito na makakapaghanda sila ng sistema ng kalusugan para mas maraming mailigtas na buhay.
Paglilinaw pa ng Russian President na ang ilang mga rehiyon ng bansa ay maaaring magpatupad pa ng mas mahigpit na pagbabantay kung kinakailangan.
Pumalo na kasi sa mahigit 221,300 ang mga nadapuan ng virus sa nasabing bansa.