Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa kaniyang military na dagdagan ang bilang ng mga sundalo.
Sa kautusan na pinirmahan ni Putin na magdadagdag sila ng 180,000 na mga sundalo at ito ay magiging epektibo sa buwan ng Disyembre.
Ang nasabing pagdagdag ng bilang ng mga sundalo ay siyang pangatlong beses na mula ng simulan ang pag-atake ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 2022.
Dahil sa bilang ay aabot na sa 2.4 milyon ang kanlang military personnel kasama na ang 1.5 milyon na mga sundalo.
Ang nasabing dagdag na bilang ng mga sundalo ay kasunod ng isinagawang pag-atake ng Ukraine noong nakaraang buwan sa border ng Russia sa Kursk region.
Magugunitang noong Agosto 2022 ay ipinag-utos ni Puton ang pagdagdag ng 137,000 na mga sundalo na may kabuuan noon na 1.15 milyon na bilang.
Pagdating ng Disyembre 2023 ay muling ipinag-utos ni Putin ang dagdag na 170,000 na sundalo na nagdadala ng mahigit 1.32milyon.