-- Advertisements --
Pinapabilisan ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang gobyerno na gumawa ng bakuna laban sa Omicron coronavirus variant.
Binigyan niya ng hanggang Disyembre 15 ang health ministry ng gumawa ng paraan para makagawa ng karampatang hakbang.
Sinabi ni Deputy Prime Minister Talyana Golikova na lubhang nababahala sila sa nasabing pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Pinayuhan din nito ang mga mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.
Nitong Disyembre 3 ay nagtala kasi ang Russia ng 32,930 na kaso ng COVID-19 na mayroong 1,217 ang nasawi.