-- Advertisements --

Itinuturing ni Russian President Vladimir Putin na isang malaking hamon pero “controllable” ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Hinikayat pa nito ang mga regional governors na huwag pagtakpan ang tunay na kalagayan ng COVID-19 sa kanilang lugar dahil sa patuloy tumataas ang nasabing kaso.

Huwag din dapat aniya pakampante ang ilang rehiyon na mayroong mababang kaso ng COVID-19 dahil inaasahan na itong tataas.

Binalaan pa nito ang mga opisyal na huwag dapat nilang pagtakpan ang nasabing kaso dahil sila rin ang mahihirapan.

Umaabot na kasi sa mahigit 2 million ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 34,387 dito ang mga nasawi.