-- Advertisements --

Sinisi ni Russian President Vladimir Putin ang US kaya sumama ang relasyon ng dalawang bansa.

Ito ang naging laman ng mensahe ni Putin ng bumisita sa kanilang bansa si US ambassador Lynne Tracy.

Sinabi pa ni Putin na sinuportahan ng US ang naganap na rebolusyon sa Ukraine noong 2014 na nagbunsod sa hindi pagkakaintindihan ng Russia at Ukraine.

Dagdag pa nito na nasa matinding krisis na ang relasyon ngayon ng US at Russia na nagdulot ng kaguluhan.