Sorpresang binisita ni Russian President Vladimir Putin ang inokupa nitong Kursk region.
Ito ay sa gitna ng pagkonsidera ng Russia sa panukala ng Amerika na 30 araw na ceasefire sa Ukraine-Russia war.
Sa isang video na ibinahagi ng Russian state television, makikitang nakasuot ng uniporme si Putin sa kaniyang surprise visit sa headquarter ng kanilang frontline troops sa Kursk.
Dito, ipinag-utos ni Putin sa kanilang tropa ang layunin ng Russia na ganap na palayain ang Kursk region sa lalong madaling panahon.
Ito ang unang biyahe ni Putin sa western region simula nang salakayin ng tropa ng Ukraine ang lugar noong nakalipas na taon.
Nakikita naman ang pagbisitang ito ni Putin na magpapalakas pa sa morale ng kanilang mga sundalo kasabay ng pag-abanse ng mga ito sa huling remnants ng holdout ng Ukraine sa loob ng Russia.
Samantala, sinabi naman ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na masusing pinag-aaralan ni Putin ang panukala ng Amerika para sa ceasefire habang nauna naman ng sinabi ni US President Donald Trump na kay Putin na ang bola para magpasya sa planong tigil-putukan kasabay ng pagtungo ng mga kinatawan ng US sa Russia ngayon para talakayin ang kasunduan.