Pumayag na si Russian President Vladimir Putin na tumigil muna ng 30-araw sa pag-atake sa Ukraine.
Ito ang naging kinahinatnan ng ginawang pag-uusap sa telepono nina Putin at US President Donald Trump.
Ayon sa White House na hindi muna aatakihin ang Russia sa mga energy infrastructure ng Ukraine sa loob ng 30 araw.
Sa darating ng Marso 20 ay magkakaroon ng palitan ng nasa 175 prisoners of war kung saan 23 dito ay nasa malubhang kalagayan.
Hiniling din ni Putin na dapat ay walang paggalaw sa mga sundalo ng Ukraine sa loob ng 30 araw na ceasefire.
Ilan sa mga natalakay ay marapat na magkaroon ng matatag samahan ang dalawang bansa.
Dahil na rin aniya sa ceasefire ay magkakaroon din ng pagtigil ng pag-atake sa mga barko na dumadaan sa Black Sea.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng pag-uusap ang kinatawan ng US at si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ito ay ginanap sa Saudi Arabia.