-- Advertisements --

Ibinunyag ni Russian President Vladimir Putin na siya inalok na gumamit ng body double para sa kaniyang seguridad.

Sinabi nito, nangyari ang nasabing pag-alok sa kaniya noong 2000 sa kasagsagan ng giyera laban sa mga separatist sa Chechnya.

Bilan dating KGB agent ay makailang beses na bumisita ang 57-anyos na pangulo sa nasabing lugar.

Dagdag pa nito na kahit anong alok sa kaniya ay tinatanggihan niya ang mga ito.

Reaksiyon ito ng pangulo ng Russia ng ito ay kapanayamin tungkol sa nasabing body double.

Nakatakdang bumaba naman sa puwesto si Putin sa 2024 subalit binabalangkas ang resolution sa pagpapanatili niya sa puwesto.