-- Advertisements --

Tiyak na ang ikalimang termino ni Russian President Vladimir Putin.

Ito ang naging maagang resulta ng halalan na isinagawa sa Russia.

Ayon sa Russian Central Election Commission (CEC) na nakakuha agad si Putin ng malaking kalamangan na 87.9 percent na boto laban sa 24.4 percent mula sa opposition candidates.

Dahil sa resulta ay inaasahan na mapapalawig pa ang termino ni Putin ng hanggang 2030 kung saan sa nasabing taon ay nasa edad 77 na ito.

Sa nasabing halalan ay ilang mga protesters ang ikinulong ng mga otordad matapos ang tangkang pananabotahe sa halalan.

Naganap ang halalan matapos ang dalawang taon na patuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine.