-- Advertisements --

Walang pagsisisi si Russian President Vladimir Putin sa ginawa nitong mga missile strike sa Ukraine.

Dagdag pa nito na ang kahit hindi kaaya-aya ang naging resulta ay tama lamang at napapanahon ang ginawa nilang ito sa Ukraine.

Hindi na rin nito papalawigin ang military mobilization at umaasang matatapos na ito sa loob ng dalawang linggo.

Mayroon ng mahigit 222,000 sa planong 300,000 Russians ang nakapasok na sa sundalo na idadagdag na isasabak na lumaban sa Ukraine.

Magugunitang iginiit ni Putin na kagagawan ng Ukraine ang pagpapasabog sa tulay na nag-uugnay sa Crimea at Russia.