-- Advertisements --
joe biden speech 1

Posible umanong ang pagiging malapit na kaibigan kay US President Donald Trump kaya hindi pa rin binabati ng ilan pang bigating world leaders si President-elect Joe Biden.

Una rito, kapansin pansin na hindi pa rin nagpapaabot nang “good luck wishes” sina Russian President Vladimir Putin, Mexican President Andrés Manuel López Obrador, Brazilian President Jair Bolsonaro, Turkish President Recep Tayyip Erdogan at Chinese President Xi Jinping.

Ang mga nabanggit ay nananatiling tahimik sa kabila na marami na ring mga world leaders ang nagpaabot nang pagbati kay Biden at kay Vice President-elect Kamala Harris.

Ayon sa ilang analyst may pagkakataon kasi na pinuri na rin noon ni Trump sina Erdogan, Putin at Xi.

Para kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov, aantayin pa nila ang official election results bago naman magkomentaryo.

Noong taong 2016, ilang oaras lamang matapos ang panalo ni Trump agad na nagpaabot nang pagbati si Putin.

Gayunman sa pagpasok ng liderato ni Biden tiyak umanong magiging mahigpit ito sa mga bansang nakikialam sa panloob na kalakaran ng isang bansa.