-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Inaalam pa ng mga otoridad kung iiisang lalaki lang ang pinugutan ng ulo at iniwan ang hiwalay na katawan sa dalawang barangay sa lungsod ng Bacolod kagabi.

Ang katawan ay natagpuan sa Rosario Street, Barangay 38 kung saan pinatay ang miyembro ng City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police Office na si Police Staff Sgt. Joseph Nepomuceno.

Ayon sa mga nakasaksi, dalawang pribadong sasakyan ang huminto sa lugar at iniwan ang katawan.

Bago umano umalis ang sasakyan, nagpaputok pa ang mga sakay nito.

Sa pag-usisa ng mga pulis, nakatali ang kamay ng biktima.

Nakita sa tabi ng bangkay ang placard na may nakasulat na “Bayad sa utang, interes pa lang, capital preparar para suma total. Halong, Bacolod”.

Ilang minuto ang nakalipas, natagpuan naman ang ulo ng isang lalaki sa Purok Sigay, Barangay 2, ngunit wala pang kumpirmasyon kung ulo ito ng lalaki na natagpuan sa Barangay 38.

Ayon sa mga residente sa Purok Sigay, nakarinig din sila ng putok bago natagpuan ang ulo.

Ayon sa punong barangay, hindi nila kilala ang biktima.