ROXAS CITY – Dismayado ang mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators sa Capiz matapos hindi pahintulutan ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) na marenew ang kanilang prangkisa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Modesto Floranda, Presidente ng Piston National, sinabi nito na patuloy ang panggigipit ng LTFRB sa mga drivers at operators para pumasok sa isang kooperatiba, patunay dito ang pagbabawal sa pagrenew ng prangkisa.
Nilinaw ni Floranda, na hindi sila tutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) kundi sa patakaran ng nasabing programa.
Sinabi ni Floranda, lalong naghirap ang estado ng mga drivers at operators ng pumasok sa kooperatiba dahil dito na lang napupunta ang maliit nilang kita.
Kung magpapatuloy ang modernization program, mababaon sa utang ang mga operators dahil obligado ang mga ito magbigay ng P30,000 – P35,000 sa kooperatiba kada buwan sa loob ng pitong taon.
Hiling ng grupo na i-extend pa ang deadline para sa pagconsolidate sa nasabing programa.
Magsasagawa naman nga nationwide transport strike ang PISTON group kung hindi pakikinggan ng LTFRB ang kanilang hiling.