-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kailangang maisakatuparan na ang Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ito ang sinabi ni Miguel Rene Dominguez dati Gobernador ng Sarangani at President ng Gensan Chamber of Commerce and Industry, ayon pa dito na matagal nang naantala ang PUV modernization program at panahon na para mangyari ito.

Ayon pa nito, na kahit mayroong modernisasyon kailangan pa rin na di mapag-iwanan ang ibang transportasyon.

Ang PUV modernization program anya ang para sa riding public na dapat makaranas ng convenience, safety at environment friendly na sasakyan.

Napag-alaman na dito sa General Santos at buong Region 12, 100% compliant na sa naturang program kung saan ikinatuwa ng mga tsuper na sila ay miembro ng isang kooperatiba na nakakakuha ng dibidendo kada taon.