Muling iginiit ng Magnificent 7 transport group ang kanilang buong suporta sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization program ng gobyerno.
Sinabi ng grupo na ang naturang programa ay malaki ang naitulong at maitutulong pa sa kanilang grupo particular na sa mga driver, operator at maging sa iba pang manggagawa sa sektor ng transportasyon ng bansa.
Sa ngayon kasi aniya ay patuloy na yinayakap ng marami ang nasabing programa dahil sa biyaya nitong hatid sa nakararami.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasabay ng panukala ng senado ng suspendihin muna ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program.
Giit ng mga senador, kailangan munang pag-aralang mabuti kung ano ang magiging epekto nito sa mga operator , driver at maging sa mananakay lalot napaka mahal ng modernize jeep.
Samantala, muli namang binanggit ng Magnificent 7 ang mabuting dala ng programa sa mga driver kabilang na ang pagiging regular sa trabaho, incentive pay, social security, PAG-IBIG, at health insurance.
Maaari rin silang makapag avail ng calamity loan sa SSS at PAG IBIG lalo na tuwing may kalamidad.
Paliwanag naman ng DOTR, mas magiging maayos ang sistema at ligtas ang transportation system sa Pilipinas sa oras na maipatupad ito
Makapaghahatid rin ito ng moderno at komportableng experience sa mga mananakay.