-- Advertisements --

Pumayag na umano si LaMarcus Aldridge, ang seven-time All-Star forward center, na pumirma sa kontrata sa Brooklyn Nets.

Ito ang kinumirma ng agent na si Jeff Schwartz sa ESPN.

Si Aldridge, 35, na sumang-ayon sa contract buyout sa San Antonio Spurs upang sumama sa Nets na ngayon pa lamang ay hinuhulaang babandera patungong NBA championship dahil sa ilang bigating superstars na bahagi nito.

Pinakabagong nakuha ng Nets ang isa pang All-Star na si Blake Griffin.

Inaasahan namang ilalagay si Aldridge center position na tiyak umanong makakaapekto sa playing time nina DeAndre Jordan at forward Nic Claxton.

Si Aldridge ay nag-a-average ng 19.4 points at 8.3 rebounds sa kanyang 15 NBA seasons kasama na sa nine years sa Portland.