-- Advertisements --

Magbabakbakan na sa Martes, April 30, ang apat na teams na pasok sa Premier Volleyball League (PVL) 2024 All-Filipino Conference. 

Matapos ang mahigit dalawang buwan na labanan sa preliminaries ng 12 kopunan, nanaig ang Petro Gazz Angels, Choco Mucho Flying Titans, Chery Tiggo Crossover, at Creamline Cool Smashers para makapasok sa semifinals ng conference. 

Sa April 30 magsisimulang magbakbakan ang Creamline laban sa sister team nito na Choco Mucho; habang ang Chery Tiggo naman ay kakalabanin ang Petro Gazz. Ito ay gaganapin sa Philsports Arena simula alas-kwatro ng hapon.

Sa darating na May 2 naman ay Petro Gazz at Creamline ang maglalaban; habang magbabakbakan naman ang Chery Tiggo at Choco Mucho na gaganapin sa Philsports Arena mula alas-kwatro ng hapon. 

Sa huling araw ng semifinals, magtatapat ang Creamline at Chery Tiggo; at kalalabanin naman ng Choco Mucho ang Petro Gazz. Ito naman ay magaganap sa Smart Araneta Coliseum mula alas-kwatro ng hapon. 

Ang top two teams na magwawagi sa round robin semifinals ang siyang magtatapat sa finals para sa Championship title na naka-schedule naman sa May 9, May 12, at May 14. 

Habang ang rank 3rd at 4th naman ay maglalaban sa bronze medal.