-- Advertisements --

Mahihirapan ng makapasok ang PLDT High Speed Hitters sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) 2024 All-Filipino Conference matapos itong talunin ng Cignal HD Spikers sa 4 sets. 

Nakapagtala ng score na 24-26, 26-24, 25-17, at 28-26 ang laban ng sister teams ngayong gabi sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Para makapasok sa semifinals, kinakailangang matalo ng PLDT High Speed Hitters sa tatlong sunod-sunod na set ang defending champion na Creamline Cool Smashers. Bukod dito, kailangan ding matalo ang Chery Tiggo Crossovers, na kasalukuyang nasa ika-apat na pwesto, ng Galeries Towers Highrisers sa loob ng tatlo hanggang apat na set.

Kapag hindi ito nangyari, ang mga kuponan na magbabakbakan sa semi-finals ay ang Petro Gazz Angels, Choco Mucho Flying Titans, Creamline Cool Smashers, at Chery Tiggo Crossovers. 

Itinanghal namang player of the game ang bionic Ilongga na si Jovelyn Gonzaga matapos itong makapagtala ng 16 points mula sa 11 attacks, 3 blocks, at 2 aces.