DAGUPAN CITY – Hindi nakasagabal para sa isang blood donor ang kaniyang kapansanan na hindi makakita para iparating ang pagnanais nito na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo sa pakikibahagi nito sa Dugong Bombo 2019 na ginanap ngayon sa CSI the City Mall sa lungsod ng Dagupan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ervin Bautista, 36, massage therapist at residente ng bayan ng Bayambang, sinabi nais nito na nais niyang makatulong sa mga nangangailangan sa kabila ng kaniyang kapansanan.
Batid umano nito ang pakiramdam ng may pangangailangan kayat sinamantala nito ang pagkakataon na makatulong.
Ayon naman sa isa pang succesful blood donor na si Mam Florencia De vera mula sa Bureau of Jail Management and Penology ito na ang ikalawang pagkakataon na makapag-donate ito ng dugo at nakita niyang malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan.
Bukod pa sa magandang epekto rin nito sa kaniyang katawan.
Hinhikayat naman nina Devera at Bautista ang publiko na mag-donate din ng dugo sa Dugong Bombo ng Bombo Radyo PhIlippines.