-- Advertisements --

Tinutulak ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na gawing centralize ang disensyo ng Person with Disability Identification Card.

Ito’y matapos kumpirmahin ni National Council on Disability Affairs (NCDA) Executive Director Glenda Relova na mayroong nabibiling mga pekeng PWD ID sa social media. Aniya, talamak ito sa Marketplace at kahit i-report aniya ang site ay nagbabago lang din daw agad ang mga sindikato ng kanilang website.

Sinabi ni Relova na para maiwasan ang mga ganitong panloloko ay may pending bill na silang nakahain sa mababang Kapulungan para sa universal design ng PWD identification card na mayroong hologram at microchip upang hindi ito raw ito madaling mapeke.

Alin sunod sa batas pwedeng mabigyan ng PWD identification card ang mga person with dissability sa Pilipinas. Ginagamit ito para makuha ang mga prebilehiyo para sa mga PWD mula sa iba’t-ibang mga establisiyemento.

Gaya ng tig-20% discount sa pamasahe sa mga pang publikong sasakyan, gamot sa lahat ng drug store, at mga serbisyong medical. Pwede ring makakuha ng educational assistance at 5% discount sa mga pangunahing pangangailangan alinsunod sa panuntuhan ng Department of Trade and Industry at Agriculture department.

Sinisiguro naman ng NCDA ang kanilang koordinasyon sa Persons with Disability Affairs Office kung paano ang tamang pag-issue ng ID sa mga kumukuha nito.