CEBU CITY – Hindi mabilang sa kamay ang mga dumayo para sa taunang Bombo Medico ng Bombo Radyo Philippines sa lungsod ng Cebu.
Pasado ala-1:00 pa lamang kaninang madaling araw ay pumila na ang mga gustong maging benipisaryo ng medical services.
May isang person wtih disability (PWD) na hirap pa sa paglalakad na galing pa ng Bohol ang bumiyahe kagabi para makapunta sa venue ng Bombo Medico.
May mga galing din sa probinsya ng Cebu na maaga pa lang ay nakapila na.
Aabot naman sa 2,000 patients ang registered na sa Bombo Radyo Cebu at Star FM Cebu habang ang marami rin ang nag walk-in patients.
Aabot naman sa P1.4 million worth of medicine at iba pang services ang hatid ngayon ng Bombo Radyo Cebu.
Habang tila nakisama rin ang magandang panahon kahit pa man may babala ang PAGASA na uulanin ang buong Central Visayas dahil sa LPA.