ROXAS CITY – Magkahalong emosyon ang naramdaman ng 57-anyos na Person with Disability o PWD matapos natanggap ang grocery items at bigas mula sa Bombo Radyo.
Labis ang tuwa ni Tatay Charlie Casugbo matapos na pinuntahan ito mismo ng Bombo Radyo News Team sa isang musoleo sa loob ng Banica Public Cemetery sa Capiz na nagsisilbing tirahan nito mahigit isang taon na ang nakalipas.
Kasama ang BULIGAY KITA #5800 na pinangungunahan ni Ms. Jarette Sare masayang tinanggap ni Tatay Charlie ang inabot sa kanyang tulong.
Hirap man sa pagsasalita si Tatay Charlie ay bakas sa kanyang mga mata ang kasiyahan dahil sa ‘di inaasahang biyaya na natanggap.
Nabatid na wala ng pamilya at mag-isa na lamang na naninirahan si Tatay Charlie sa musoleo ng naturang sementeryo.
Maliban dito, maraming tao naman ang naantig sa buhay nito.
Sa ngayon, sinusubukan rin ng Bombo Radyo na mabigyan ng maayos na tirahan si Tatay Charlie.