ROXAS CITY – Unang nakuhaan ng dugo ang Person with Disability (PWD) na lalaki sa isinagawang Dugong Bombo 2023 ngayong araw ng Sabado Nobyembre 18, 2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Habel Cayetano III 49 labing taong gulang at residente ng Barangay Ilawod Bitoon, Cuartero Capiz, sinabi nito na ito na ang ika-12 beses niyang pagdonate ng dugo kung saan 3 beses dito ang pagdonate niya sa programa ng Bombo Radyo at Star FM na Dugong Bombo 2023.
Pahayag ni Cayetano na pagdating sa ganitong pagkakataon, hindi na niya ito pinapalampas pa dahil may maganda naman itong maidudulot sa kanyang kalusugan.
Napag-alaman din na simula 2017 pa ito nag-umpisa na magdonate dahil naniniwala siya na malaking tulong ito sa mga indibidwal na lubos na nangangailangan.