CEBU CITY – Excited na ang Philippine Accessibility Disability Services, Inc. (PADS) Dragonboat Racing Team na ibandera ang watawat ng Pilipinas sa gaganaping 14th International Dragonboat Federation (IDBF) World Nations Championship sa Thailand.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni JP Ecarma Maunes, team manager at founder ng PADS, na isang malaking karangalan na maituturing ang kanilang representasyon sa naturang kompetisyon lalo na’t puro person’s with disability (PWD) ang bumubuo sa delegasyon.
Ani Maunes, walang pinipiling abilidad ang dragon boat racing dahil pagkakaisa ang isa sa mga pinaka-epektibong sangkap nito.
Ibinida ng coach ang pagsali ng kanyang team sa world class training bago sumabak sa kompetisyon.
Bitbit ng koponan ang mga atleta mula Cebu at 200 iba pa mula sa Philippine Dragonboat Federation Team para magbigay ng suporta.
Gaganapin nng IDBF World Nations Championships sa darating na August 20 hanggang 25 sa Pattaya, Thailand.
Nasa 30 bansa ang inaasahang magtatapatan sa iba’t-ibang category ng dragonboat racing.