-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Puwersa ng Contact Tracers sa Probinsya ng North Cotabato handa na, matapos ang isinagawang orientation sa Capitol Provincial Gym, Amas, Kidapawan City.

Aabot sa 401 na bagong Contact Tracers ang pumirma ng kontrata na pinangasiwaan ng DILG Cotabato Provincial Office na magsisimula sa kanilang misyon ngayong buwan hanggang katapusan ng Disyembre 2020.

Mataas naman ang tiwala ni Cotabato Governor Nancy Catamco sa bagong hire na Contact Tracers sapagkat dumaan sila sa proseso ng pagpili.

Bilin lamang nito na tumbasan ng mga Contact Tracers ang determinasyon ng Probinsya sa pagpigil sa pagkalat ng virus.

Si Sir Rolan Bayawan na isang aplikante mula sa Kidapawan City na nakapagtapos ng Nursing, saludo sa programa ng Probinsya para labanan ang pagkalat ng virus. Aniya, tinutulongan ng Probinsya na makauwi ang mga taga North Cotabato na stranded, at sinisiguro rin nito na ma-isolate sila nang hindi makahawa.

“Andam na ko. Nahibalo ko nga medyo delikado ang trabaho, apan dili matupngan ang kalipay nga bation human makatabang sa isig ka tawo. Kung ingon niini kalig-on ug may kasing-kasing ang pinakataas nga lider sa Probinsya, maapil pod tag ka-inspire,” dagdag pa ni Rolan.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols sa probinsya kontra Covid 19.