-- Advertisements --
image 483

Naniniwala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na lalo pang liliit ang mundo ng komunistang grupo, matapos ang pagkakapatay kamakalawa kay Dionisio Micabalo, alias ‘Muling’.

Si Alyas Muling ay sinasabing lider ng People’s Army-North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).

Sa pagkamatay ng NPA leader, sinabi ng Sandatahang Lakas na hindi na wala nang epektibong lider na mamumuno sa nalalabing mga miyembro ng NPA sa malaking bahagi ng Mindanao.

Ayon sa tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Col. Medel Aguilar, inaasahan nilang susunod nang susuko ang malaking bilang ng mga miyembro ng NPA na nakabase sa nasabing rehiyon.

Ayon sa opisyal, nawawala na ang lakas ng mga miyembro ng komunistang grupo sa iba’t-ibang front sa Mindanao, na kinabibilangan ng North Eastern Mindanao Regional Committee(Caraga) at Southern Mindanao Regional Committee (Davao Region).