Kontrolado na ang transmission o hawaan ng Query o Q fever kasunod ng agarang depopulation at condemnation sa lahat ng infected na baka at kambing.
Ito ang kinumpirm ni Agriculture Secretary Arnel De Mesa kung saa agarang isinagawa ang depopulation sa lahat ng na-impeksiyon na Kambing at baka sa Pampanga at Marinduque noong Biyernes sa surveillance areas na pasok sa 500 meter radius ng infected site.
Nagkaroon din ng koordinasyon sa Department of Health kaugnay sa epekto ng sakit sa kalusugan ng tao para masigurado na walang maapektuhan.
Nagsasagawa na rin ng surveillance at contact-tracing efforts sa mga indibidwal at hayop.
Sa ngayon wala pang kumpirmadong human case sa bansa ng Q fever.
Base sa impormasyon kaugnay sa Q fever, ito ay isang zoonotic disease na dala ng Coxiella burnetii bacteria na pangunahing tumatama sa mga tupa, baka at kambing subalit naihahawa din sa tao sa pamamagitan ng kontak sa naimpeksiyon na hayop o kanilang excreta o katawan at birthing fluids.
Maaari itong magdulot sa tao ng lagnat, panginginig at pananakit ng kasu-kalamnan nakapag hindi nagamot ay maaaring magdevelop sa komplikasyon sa liver at puso.