Humingi ng paumanhin ang Qantas flight matapos na maipalabas sa R-rated na pelikula sa kanilang mga screens.
Ayon sa Australian airline na ang mga pasahero nila mula sa Sydney patungong Haneda airport sa Tokyo ay hindi makapili ng pelikula dahil sa technical issue sa kanilang inflight entertainment system.
Hindi naman na binanggit ang titulo ng pelikula subalit kumalat sa social media ang mga screenshot ng pelikulang “Daddio”.
Ang 2023 drama kasi na pinagbibidahan nina Dakota Johnson at Sean Penn ay mayroong rated-R ng US Motion Pictures Association dahil sa pagkakaroon ng “graphic nudity, sexual materials at masasamang lenguahe.
Agad naman na inayos ng mga crew ang nasabing mga problema.
Tiniyak naman na airline company na hindi na mauulit pa ang nasabing insidente.