-- Advertisements --
Nagkasundo ang pambato ng Qatar at Italy sa high jump na hatiin na lamang ang gold medal sa Tokyo Olympics.
Ito ang naging desisyon nina Mutaz Essa Barshim ng Qatar at Gianmarco Tamberi ng Italy.
Matapos kasi ang dalawang oras na kumpetisyon ay nagtabla ang dalawa sa clearance ng 2.37 meters.
Kapwa kasi nagtala ng tatlong failures ang dalawa sa pagtatangka nilang matapatan ang Olympic record na 2.39 meters.
Tinanong nila ang organizers kung puwede magkaroon ng dalawng gintong medalya subalit tumanggi ang mga ito.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng dalawang nanalo ng gold medals sa athletics mula pa noong 1912.