-- Advertisements --
Itinanggi ng Qatar at Russia ang alegasyon ng panunuhol para makuha nila ang World Cup hosting.
Kasunod ito sa isinasagawang imbestigasyon ng US Department of Justice (DOJ) dahil sa kurapsyon na nagaganap sa soccer.
Mahigpit na itinaggi ng mga opisyal ng Qatar ang alegasyon habang ang Russia ay pinabulaanan na tinanggap nila ang suhol.
Inilabas kasi ng US District Court na nanuhol ang mga matataas na opisyal ng dalawang bansa para makuha ng Russia ang 2018 FIFA World Cup habang ang Qatar ay siyang napiling maghost ng 2022 tournaments.
Suportado naman ng FIFA ang nasabing ginagawang imbestigasyon na ginagawa ng US Dept. of Justice.