-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang evaluation ng Qatar sa papel nito bilang mediator para isulong ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sinabi ni Qatari prime minister, Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani na may ilang kasamahan nilang bansa na nagpapanggap na mediator subalit may sariling political interest.
Hindi naman na binanggit nito kung sino ang tinutukoy niyang bansa.
Bagamat nagpapatuloy ang pagiging mediator nila sa Gaza ay may ilang bansa pa rin ang naninira sa Qatar.
Magugunitang kinondina ng embahada ng Qatar sa US ang pahayag ni US Representative Steny Hoyer na dapat mag-re-evaluate ang US sa ugnayan nito sa Qatar sakaling hindi mapressure nito ang Hamas na tanggapin ang ceasefire proposal.