Naghahanda na ang Qatar para sa pagsisimula ng ikalawang yugto ng Gaza ceasefire agreement sa pagitan ng Hamas at Israel.
Sinabi ni Foreign Ministry official Majed al-Ansari , nakikita niya ang magandang sitwasyon dahil sa mapayapang pagpapatupad ng unang yugto ng ceasefire.
Nilinaw nito na hindi pa nagsisimula ang negosasyon sa ceasefire at maaring sa mga susunod na araw ay kanila na itong uumpisahan.
Ilan lamang sa kaniyang napuna ay dapat dagdagan ang pagbibigay ng humanitarian aid sa Gaza dahil sa marami pa rin ang naapektuhan ng nasabing kaguluhan.
Una ng sinabi ni Israeli Foreign Minister Gideon Saar na handa na silang dumalo sa pag-uusap para sa ikalawang bahagi ng negosasyon ng Gaza deal.
Magugunitang nagkaroon ng tatlong bahagi ang ceasefire deal sa Gaza kung saan magpapakawala ng bihag ang mga Hamas kapalit naman ang mga Palestinong nakakulong sa Israel.
Ang huling bahagi ng ceasefire ay ang tuluyang paglayas ng mga sundalo ng Israel na nakatalaga sa Gaza.