Nangako ng $100 milyon na tulong ang prime minister ng Qatar sa Ukraine.
Isinagawa ni Qatari Prime Minister and Minister for Foreign Affairs Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani ang nasabing tulong ng personal itong bumisita sa Ukraine.
Personal naman nito ng nakaharap si Prime Minister Denys Shmyhal kung saan pinasalamatan niya ito dahil sa tulong ng ipinamahagi.
Ang nasabing halaga aniya ay para sa reconstruction effort ng Ukraine partikular na ang pagbabalik ng healthcare, education at ilang mga gusali.
Tinalakay din ng dalawa ang kahalagahan ng panunumbalik ng Black Sea Grain initiative.