Natapos na ang kampanya ng host country na Qatar sa FIFA World Cup 2022.
Ito ay matapos na hindi sila papormahin ng ranked number 8 na the Netherlands 2-0 sa kanilang Group A match na ginanap sa Al Bayt Stadium.
Ang ranked number 50 na Qatar lamang ang unang World Cup host na matalo sa lahat ng tatlong group matches.
Una kasing na-eliminate ang Qatar ng talunin sila ng Senegal 3-1 noong nakaraang mga araw.
Binuksan ni Davy Klaassen ang unang goal ng Dutch team sa loob ng 26 minuto ng first half.
Pagpasok ng second half ay naipasok ni Frenkie de Jong ang goal para makuha ng the Netherlands ang 2-0 na kalamangan.
Tuluyan ng inubos ng the Netherlands ang oras at hindi na pinaporma ang Qatar.
Ang the Netherlands ay three-time runner-up sa World Cup kung saan nagtapos sila bilang third runner up noong 2014 pero nabigo silang mag-qualify noong 2018 World Cup.