-- Advertisements --

Nawawalan ng pag-asa ang Qatar para sa pagsulong nito ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ayon kay Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani na sa mga nagdaang araw ay walang anumang pagbabago silang nakikita na ang dalawang panig ay interesado sa na magkaroon ng panibagong ceasefire.

Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang hiling ng Hamas na ceasefire at pagpapakawala ng mga Palestinian prisoners ay malayo sa katotohanan.

Inakusahan kasi ng Hamas ang Israel na hindi interesado sa isinusulong na ceasefire deal.