-- Advertisements --
Tanging mga fully vaccinated laban sa COVID-19 ang papayagan ng Qatar na manoong World Cup sa susunod na taon.
Ayon kay Prime Minister Sheikh Khalid bin Khalifa bin Abdulaziz Al Thani na kahit na maraming mga tao na ang nabakunahan sa mga panahon iyon ay patuloy pa rin silang nag-iingat para sa ikakatagumpay ng mga laro.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga vaccine company para iturok sa mga taong manonood ng mga laro.
Nauna ng sinabi ng mga opisyal ng Qatar na magkaroon ng corona-virus free tournament at planong bakunahan ang mga taong manonood.
Sa kasalukuyan ay nasa 90 percent na tapos ang mga venues kung saan gaganapin ang mga laro na magsisimula sa Nobyembre 2022.