-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inabisuhan na ang police force sa Qatar na i-exercise ang maximum restraint and tolerance kaugnay sa pag-uugali ng mga turista at football fans na taliwas sa cultural norms ng World Cup host nation ngunit nakaugalian na sa Europa.

Covered rin sa lumabas na serye ng secret understandings sa pagitan ng Fifa at Qatari officials ang essential areas ng individual rights.

Halimbawa, papayagan ang Lesbian, Gay, Bisexual, transgender, and Queer community sa public displays of affection o maging sa pagdala ng rainbow flags sa pampublikong lugar sa kabila ng batas na iligal ang homosexuality sa nasabing Gulf state.

Ayon kay Bombo Irvin Arro Mallon, myembro ng Qatar Navy na assigned sa pagbantay ng isang hotel sa Doha kung saan mananatili ang Netherlands World Cup 2022 squad, nag-umpisa na ang deployment ng security teams at police officers para ma-secure ang stadiums at hotels.

Nasa 50,000 na personnel sa Qatar ang isinailalim sa training para sa security ng World Cup.

Kabilang rin sa multi-nations na tutulong sa seguridad ay ang Turkey, Pakistan, France, Morocco, United Kingdom, United States of America, Germany, Finland, France, Jordan, Kuwait, Palestine, Poland, Saudi Arabia, at Spain.