Naniniwala ang mediator na bansang Qatar na sa mga susunod na araw ay tutugon na ang Hamas at Israel sa isinusulong nilang ceasefire deal.
Ayon sa mga mediators mula sa Qatar na kanilang naplantsa na ang anumang gusot sa nasabing negosasyon.
Sumang-ayon na rin ang bawat panig kung saan pumayag sila ang pagpapalaya ng mga bihag at ang tuluyang pag-alis ng mga puwersa ng Israel sa Gaza.
Ang nasabing magandang develoopment ay kasunod ng ginawang pag-uusap nina US President Joe Biden at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Mula kasi noong sumiklab ang kaguluhan noong Oktubre 7, 2023 ay nasa 46,645 na Palestino ang nasawiat 110,012 ang sugatan.
Habang mayroong 1,139 katao ang nasawi sa panig ng Israel sa ginawang pag-atake ng Hamas kung saan mahigit 200 ang kasalukuyang bihag.