Dumating na sa Palasyo ng Malakanyang ang Amir ng Qatar na si Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani para sa dalawang araw na State Visit sa Pilipinas.
Ang pagbisita ng Qatari Amir sa Pilipinas ay kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Exacto alas-9:30 ng umaga kanina ng dumating sa palace grounds ang lider ng Qatar kung saan personal siyang sinalubong ng Punong Ehekutibo.
Binigyan ito ng welcome ceremony at saka ipinakilala ang kani-kanilang mga gabinete.
Mula sa Palace grounds naglakad ang dalawang lider patungo sa loob ng Palasyo kung saan magkakaroon sila ng bilateral meeting.
Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang ibat ibang kooperasyon gaya ng labor, climate change, trade and investments, energy and security, education,mga kabataan, sports at iba pa.
Inaasahan din na pag-uusapan ng Pilipinas at Qatar ang regional issues gaya ng isyu sa West Philippine Sea.