Nakatakdang bumisita sa bansa bukas, April 21,2024 ang Amir ng Qatar na si Sheik Tamin Bin Hamad Al Thani bilang bahagi ng kaniyang dalawang araw na State Visit sa Pilipinas, pagkatapos ng mahigit isang dekada.
Ang pagbisita ng Qatari Amir ay batay sa naging imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang nasa bansa ang Qatari Amir mula April 21 hanggang April 22, 2024.
Ayon naman sa Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na magkakaroon ng palitan ng opinyon ang dalawang lider.
Pag-uusapan din ng mga ito ang Philippines-Qatar bilateral relations, kabilang ang labor, climate change, trade and investments, energy security, education, youth, at sports.
Huling nagsagawa ng State Visit ang Qatari Amir sa Pilipinas nuong taong 2012.