Pinuri ng Amir ng Qatar na si Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani ang epektibong kontribusyon ng mga Filipino sa progreso at pagunlad ng bansang Qatar.
Ginawa ng lider ng Qatar ang pahayag sa ginanap na bilateral meeting sa pagitan nila ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Qatari lider ang Pilipinas ay kanilang itinuturing na mahalagang partner sa ibat ibang larangan.
Binigyang-diin ng Amir ng Qatar na lalo pang mapalalakas ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pinaigting na komunikasyon ng dalawang bansa at maging sa pribadong sektor.
Sa panig naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, naniniwala ito na magbubukas ng maraming oportunidad at mas magiging matatatag ang kolaborasyon sa commercial level, govt-to-govt level at people to people level.
Iisa ang common interest ng Pilipinas at Qatar sa inetrnational at multilateral organizations.
Ang Qatar ay nagsisilbing pangalawang tahanan ng nasa 242,609 Filipinos.
Batay sa datos nuong 2022, ang remittances ng mga OFWs sa Qatar patungong Pilipinas ay umabot sa $895.33 million.