Binawi ng Quezon City Government ang unang anunsiyo nila sa pagbawas ng edad ng mga papayagang makalabas sa kanilang mga kabahayan.
Mula kasi dating 15-anyos ay inilagay na lamang nila sa 18-anyos hanggang 65-anyos ang mga papayagang makalabas.
Kailangan lamang na magpresenta ang mga ito ng kanilang company ID o school ID o kahit na anumang government issued ID.
Pagbibigyan lamang na makalabas ang mga may edad 17 pababa kapag bibili ng mga essential goods o kapag sila ay may nakatakdang appointments sa mga doktors o klinika.
Magugunitang kinontra ng ilang mga health experts ang naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na papayagan makalabas ang mga batang may edad 15 pababa basta kasama ang kanilang mga magulang.