Ibinasura ng korte sa Quezon City ang kasong isinampa laban sa guro dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon na ang sanhi ng trapiko ay dahil sa VIP convoy.
Ayon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 104 na ang kaso laban kay Janus Munar ay ibinasura dahil sa kakulangan ng ebedensiya na iprinesenta ng PNP.
Pinagbigyan ng korte ang motion for reconsideration na inihainng abogado ni Munar dahil sa kasong paglabag sa Article 154 ng revised Penal Code o ang pagpapakalat ng pekeng balita.
Sa nasabing probisyon ay pinaparusahan ang sinumang tao na naglalathala ng pekeng balita na maaring ikapahamak ng publiko o ang estado.
Ang nasabing video ay nagbunsod sa matinding trapiko sa bahagi ng Commonwealth avenue dahil sa pagdaan umano ng convoy ni Vice President Sara Duterte.
Una ng itinanggi ni Duterte ang insidente dahil nasa Mindanao ito noong nangyari ang insidente sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day.