-- Advertisements --
May mga nakita ang Quezon City Engineering Department na kapabayaan ng contractor matapos na gumuho ang pader sa Civic Center B Building ng Quezon City Hall nitong Huwebes ng gabi.
Sinabi ni Atty. Dale Peral ng Engineering department na ilang kapabayaan ng MRB2 constructions ay ang pagiging maluwag sa occupation safety and health guidelines na nagresulta sa pagkamatay ng isang manggagawa at pagkasugat ng 3 iba pa.
Nakita rin aniya nila na tila minadali sa loob lamang ng isang araw ang demolisyon ng pader na maari aniyang maisagawa ito ng hanggang isang linggo.
Ibabase naman aniya nila ang resulta ng imbestigasyon kung ipagpapatuloy ba o tuluyang tanggalin ang kontrata ng Quezon City government sa nasabing contractor.