Maingat pa rin ang Quezon City government kahit na bumaba na ang bilang ng mga active cases sa kanilang lungsod.
Base kasi sa pinakahuling talaan ng lungsod, nasa dalawang porsyento na lamang ang bilang ng aktibong kaso ngayon.
Ito ay mula sa dating 4 percent nitong nakaraang Martes.
Sa bilang aniya na 24,189 ay mayroon lamang 500 ang nananatiling aktibo.
Dahil dito ay patuloy ang pag-eenganyo nila sa mga residente na sumunod sa mga ipinapatupad na minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte, na isang magandang balita ang nasabing pagbaba ng bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.
Umaasa sila na makamit nila ang target na COVID-Free city ang kanilang lungsod.
Magugunitang isa ang lungsod sa nangungunang lugar na may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.