-- Advertisements --

Sinilbihan ng Quezon City Government ng cease and desist order ang isang club sa nasabing lungsod dahil sa hindi ito nakikipagtulungan sa contact tracers.

Binisita kasi ng Epidemiology and Surveillance Unit ang F Club sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Avenue para magsagawa ng contact tracing matapos na maitala ang unang kaso ng mpox ngayong taon.

Hindi pinapasok ng management ng club at hindi sila nakipagtulungan.

Dahil dito ay nagpasya si Quezon City Mayor Joy Belmonte na maaring maipasara ang operasyon ng club kung magmatigas ito.

Muling nanawagan ito sa mga club owners makipagtulungan sa kanila lalo na kung ito ay ukol sa usaping pangkalusugan.

Noong nakaraang linggo ay ipinasara ng lungsod ang spa matapos na madiskubreng walang permit ito at isa itong pinuntahan ng isa sa mga dinapuan ng virus.