-- Advertisements --
Nakausap na ng Quezon City government ang ilang mga private warehouse para sa paglalagyan ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Joseph Juico, ang co-chair ng Quezon City Vax to Normal Task Force na ang nasabing mga bodega ay mayroong malamig na temperatura.
Sakaling dumating na aniya ang mga bakuna ay agad nila itong dadalhin sa mga nakalaan na bodega.
May mga nakausap na rin silang refrigerated trucks owners na pagsasakyan ng mga bakuna.
May mga panuntunan na rin silang ipapatupad para walang bakuna na masasayang.
Nagtalaga na rin ang city government ng mga lugar kung saan isasagawa ang pagpapabakuna sa kani-kanilang mga residente kung sakali.