-- Advertisements --

Nilinaw ng Quezon City government ang kautusan sa paghahanap ng vaccination card sa mga indibidwal na magtutungo sa mga iba’t ibang establisyemento na kanilang nasasakupan.

Kasunod ito sa umani ng batikos ang nasabing kautusan dahil sa pagpili lamang ng mga taong papapasukin sa mga mall.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na papayagan pa ring makapasok ang mga hindi pa bakunadong indibidwal subalit pawang mga essential activities lamang.

Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbili ng mga gamot, mag-grocery at ilang government services.

Ipapalista umano ang mga hindi pa bakunado para sila ay agad na mabigyan ng schedule sa pagpapabakuna sa mga ito.

Isinagawa ang nasabing panuntunan matapos na pulungin ng Quezon City government ang mga mall owners mula ng ipatupad ang Alert Level 3 sa Metro Manila.