-- Advertisements --
grab QC covid test

Nagdoble ng paghihigpit ang Quezon City government sa pagpapatupad ng health protocols matapos na manguna sila sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Mayroon pa kasing halos 900 na aktibong kaso ang naitala sa lungsod at mahigit 742 na ang nasawi habang ang recoveries ay mayroong halos 25,000.

Sa kabuuang kaso aniya ay mayroong mahigit 26,400 dahil sa COVID-19.

Dahil sa naturang bilang ay nagpakalat ang QC government ng mga marshall para tuluyang sitahin ang mga hindi sumusunod sa minimum health protocols.

Naglunsad na rin sila ng kampanya sa bawat barangay para ipapaalala ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask, social distancing at ganon din ang paghuhugas ng kamay.

Pinaalalahan din ng city government ang mga establisyemento na huwag kalimutan na maglagay ng contact tracing forms.